top of page

4 indibidwal, kabilang na ang 1 tricycle driver, pintor at tagaluto, arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa South Cotabato

  • Teddy Borja
  • Apr 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Kulong ang isang alyas “Jano” 24-anyos, tricycle driver at residente ng Barangay Glamang, Polomolok.


Inaresto si alyas “Jano” sa Barangay Poblacion ng bayan, a-uno ng Abril.


Kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 ang isinampa ng otoridad laban sa suspek.


Alas 10:45 naman ng gabi ng ikasa ng Tupi Municipal Police at iba pang law enforcement unit ang buy-bust operation sa Barangay Palian ng bayan na nagresulta sa pagkaka aresto ng alyas “Alex” 34 years old, alyas “Jim” 37-anyos, taga-luto, alyas “Jona” at ang pintor na si alyas “John” 44 years old


Huli ang mga suspek sa pagbebenta umano ng iligal na droga.


Ang mga narekober na drug evidence ay dinala na sa South Cotabato Provincial Forensic Unit para sa examination, at sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, and 12 ng RA 9165 ang mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page