iMINDSPH

Tiklo ang isang alyas “Pato”, 42 years old, alyas “Jay”, 39 years old, alyas “Burloloy”, 34 years old, alyas “Datu Raf”, 39 years old at isang alyas “Inday”, 34 years old sa operasyon, araw ng Sabado, March 1, 2025 sa Purok Ulandangan 2.

Nasamsam ng otoridad sa operasyon ang 24 piraso ng plastic sachets ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 15 gramo at nagkakahalaga ng 102,000 pesos.

Narekober din ang buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia at dalawang mobile phones.

Dinala na sa PDEA BARMM Jail Facility ang mga naarestong indibidwal habang hinihintay ang inquest proceedings sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Katuwang ng PDEA BARMM sa operasyon ang mga elemento ng Maguindanao Maritime Police Station, City Mobile Force Company at Cotabato City Public Safety Office.
Comentários