top of page

4 resolusyon, inaprubahan ng SP ng Maguindanao del Norte sa isinagawang special session araw ng Lunes

  • Diane Hora
  • 7 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Apat na resolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte sa isinagawang special session araw ng Lunes. Ito ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng representasyon ng Persons With Disability o PWD sa hanay ng mga empleyado ng provincial government, gayundin ang pagbibigay ng awtorisasyon ng konseho na magproseso at maging signatories ng mga fiscal documents ng lalawigan si Governor Datu Tucao Mastura, Vice Governor Datu Marshall Sinsuat, ang provincial treasurer at provincial accountant.



Sa pamamagitan ng resolusyon, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte ang pagkakaroon ng representasyon ng PWD sa hanay ng mga empleyado ng probinsya.


Isinagawa araw ng Lunes, July 7, ang special session ng SP kung saan kabilang din sa inaprubahan ang pagbibigay awtorisasyon na magproseso at maging signatories ng mga fiscal documents ng lalawigan si Governor Datu Tucao Mastura, Vice Governor Datu Marshall Sinsuat, ang provincial treasurer at provincial accountant.


Susundin din ng konseho ang dating Internal Rules of Procedure ng Sanggunian.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page