top of page

4 security guard, nakatanggap ng separation pay matapos ang matagumpay na namagitan ang MOLE sa isang labor dispute

  • Diane Hora
  • 10 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa patuloy nitong pagtataguyod sa karapatan ng manggagawa, matagumpay na namagitan ang Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa panibagong kasong labor dispute sa pagitan ng isang lokal na security agency at mga empleyado nito, sa pamamagitan ng Bureau of Labor Relations and Standards (BLRS).


Agosto 12, 2025, ginanap sa Regional Office ng MOLE sa Cotabato City ang isinagawang settlement conference. Apat (4) na security guard na tatlong taon nang naglilingkod sa parehong agency ang nakatanggap ng kani-kanilang separation pay na nagkakahalaga ng ₱35,000 bawat isa.


Ayon sa MOLE, ang tagumpay ng kasunduang ito ay hindi lamang nagbibigay-katarungan sa serbisyo ng mga manggagawa, kundi nagpapatibay rin sa kanilang karapatang makaranas ng makatao at patas na pagtrato sa kanilang pinagtatrabahuhan.


Ang resolusyong ito ayon sa MOLE ay sumasalamin sa masigasig na inisyatibo ng ministeryo upang tiyakin ang kapakanan at proteksyon ng mga manggagawa sa rehiyon.


Patuloy na isinusulong ng MOLE ang mga mekanismong magpapalakas sa industrial peace at makataong ugnayan sa pagitan ng manggagawa at employer sa Bangsamoro region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page