40-anyos na karpentero, arestado sa buy-bust operation sa Monkayo, Davao de Oro, matapos positibong mabilhan ng ipinagbabawal na gamot; baril nakumpiska rin sa suspek
- Teddy Borja
- Nov 17
- 1 min read
iMINDSPH

Inaresto ng awtoridad ang isang karpentero sa buy-bust operation, kung saan nahulihan din din ng baril ang suspek.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Bunso.”
Ayon sa report ng PNP PRO 11, positibong nabilhan ng hinihinalang shabu ang karpentero ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Biyernes, November 14.
Bukod sa suspected shabu, nakumpiska rin ng awtoridad mula sa suspek ang isang caliber 45 pistol, magazine at tatlong bala.
Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 at possession of unlicensed firearm.
Hawak na ng Monkayo Municipal Police Station ang nahuling indibidwal at ang mga nakumpiskang ebidensya.



Comments