top of page

400 Veteran Bangsamoro Mujahideen at Mujahidat mula sa MILF at MNLF, tinanggap ang P21,000 financial allowance o katumbas ng 3 buwan na financial assistance mula sa OBMUSC

iMINDSPH



Sa launching, tinanggap ng 400 veteran Bangsamoro Mujahideen at Mujahidat mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa Moro National Liberation Front (MNLF) ang P21,000 pesos o katumbas ng tatlong buwan na financial assistance



Tumanggap din ang bawat recipient ng bigas at grocery items.


Itinatag ang OBMUSC sa ilalim ng Bangsamoro Autonomy Act (BAA) No. 57 o "Bangsamoro Mujahideen Under Special Circumstance Act of 2024."



Layunin ng batas na bigyan ng financial assistance ang mga lalaki at babaeng Mujahideen ng MILF at MNLF na isa nang senior citizens o Mujahideen na permanent partial o total disability.


Sa ilalim ng Section 5 ng batas, tinukoy dito ang mga Mujahideen na may “Meaningful Participation” sa actual combat, logistics, at aspetong medikal o nakilahok sa struggle for self determination mula 1969 hanggang 2024 o at least 20 years at underpriviledged.


Sa unang taon ng implementasyon ng batas, entitled ang mga ito sa lump sum amount na nagkakahalaga ng 84,000 pesos para sa isang taong allowance habang sa succeeding years naman ay tatanggap ng 7,000 na cash allowance kada buwan ang isang veteran Bangsamoro Mujahideen na ibibigay quarterly.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page