41-anyos na lalaki na residente ng Cotabato City, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa Amas, Kidapawan City
- Diane Hora
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang High Value Individual na residente ng Cotabato City sa buy-bust operation ng awtoridad
Kinilala ang suspek sa alyas na “Bry” residente ng Rosary Heights 2, Cotabato City.
Naaresto ito araw ng Sabado, July 26.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Custodial Facility ng Kidapawan CPS, kung saan siya ay sumailalim sa medical examination at booking procedures.
Inihahanda na ang kaukulang kaso para sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments