42-anyos na babae sa Kapatagan, Lanao del Norte, arestado sa kasong 18 counts ng simple theft
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog rin ang isang 42-anyos na babae dahil sa 18 counts of simple theft.
Inaresto ang suspek alas 11:00 ng umaga, araw ng Biyernes, June 13 sa bayan ng Lala.
Ito’y matapos isilbi ng awtoridad ang Warrant of Arrest na inisyu ng 7th Municipal Circuit Trial Court (MCTC), Lala-Salvador, 12th Judicial Region.
Ito ay may petsa na May 13, 2025, at ₱180,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte.
Nasa kustodiya na ng Lala Municipal Police Station ang suspek para sa wastong disposisyon.
Comments