top of page

42-anyos na lalaki sa Cotabato City, arestado matapos umanong mabilhan ng suspected shabu ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer

  • Teddy Borja
  • Apr 4
  • 1 min read

iMINDSPH


Kinilala ang suspek na si alyas “Lu” residente ng Atienza Street Barangay Martinez, Poblacion 4, Cotabato City


Ayon sa report ng otoridad, inaresto ito matapos umanong mabilhan ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng isang sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, ala 7:00 ng gabi, araw ng Huwebes, April 3 sa nasabing barangay.


Ang sinabing iligal na droga ay tumitimbang ng 0.11 grams na nagkakahalaga ng 748 pesos.


Isasailalim sa Drug Testing ang suspek habang ang suspected illegal drugs na narekober ay nakatakdang dalhin sa RFU-BARMM para sa Laboratory Exam at proper custody.


Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.

 
 
 

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page