₱421K halaga ng suspected shabu, nasamsam; Dalawang Drug Peddlers arestado sa Lanao del Sur
- Teddy Borja
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang drug peddlers ang arestado sa buy-bust, kung saan mahigit ₱400,000 na halaga ng suspected shabu ang nakumpiska.
Isinagawa ang operasyon, araw ng Martes, November 18, sa Barangay Beta, bayan ng Tubaran.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Paks” at “Bakbak.”
Hawak na ng Lanao del Sur Police Provincial Office ang mga suspek para sa proper documentation at legal disposition.



Comments