43-anyos na negosyante, arestado sa Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad
- Teddy Borja
- Nov 25
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang 43-anyos na negosyante matapos positibong mabilhan ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Parang.
Isinagawa ang operasyon alas 5:05 kaninang umaga, November 25, sa Barangay Sarmiento ng bayan.
Kinilala ang suspek sa alyas “Ambi,” residente rin ng nasabing lugar.
Kabilang sa mga narekober na ebidensiya ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱200,000.
Nakuha rin sa operasyon ang isang M14 rifle, 1 caliber .45 pistol, mga bala ng 9mm, android phones, buy-bust money, at iba pang personal na gamit ng suspek.
Dinala ang suspek sa PDEA Maguindanao del Norte.



Comments