top of page

43-anyos na negosyante sa Midsayap, Cotabato, arestado sa isinagawang search warrant ng otoridad; Babae na menor de edad, na-rescue sa operasyon!

iMINDSPH


Kinilala ang negosyante sa alyas na “Bong”, 43 years old, residente ng Purok 3, Barangay Poblacion 4, Midsayap, Cotabato.


Isinagawa ang search operation alas 4:30 ng hapon, araw ng Lunes, March 3 na pinangunahan ni

PLTCol Arniel Cagud Melocotones, 𝗢fficer In-charge ng Midsayap MPS, kasama ang mga elemento ng MDEU Midsayap MPS, CPPO PDEU, RID 12 Tracker Team Echo, at CPPO PIU.


Ang search warrant ay inisyu ng Presiding Judge ng Branch 28, RTC 12, para sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Nakipag ugnayan din ang otoridad sa PDEA RO 12 kaugnay sa operasyon.


Nakuha ng otoridad ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 4.704 gramo ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at may estimated value na Php 31,987.00 at drug paraphernalia.


Sa isinagawang operasyon, na-rescue naman ang isang menor de edad na itinurn over na sa Women and Children Protection Desk (WCPD) para sa proper disposition at investigation.


Inihahanda na ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng RA 9165 laban sa naaresto.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page