iMINDSPH

Himas rehas ang isang 43-anyos na karpintero matapos mahuli sa buy-bust operation sa Mother Bagua, Cotabato City.
Kulungan ang bagsak ni alyas “Jeffrey” residente ng Purok Duhat, Mother Barangay Bagua, Cotabato City.
Nahuli ang suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation ng otoridad, araw ng Martes sa nabanggit na lugar.
Positibong nabilhan si alyas “Jeffrey” ng isang police na nagpanggap na poseur (POZIR) buyer ng limang sachets ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 0.15 gramo at may standard drug price value na 1,020 pesos.
Isusumite ng otoridad ang mga ebidensiyang narekober sa operasyon sa RFU-BAR para sa examination. Sasailalim din ang suspek sa mandatory drug test and medical examination sa CRMC.
Inihahanda na ng otoridad ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.
Comments