431 residente ng Talitay, Maguindanao del Norte, benepisyaryo sa libreng gamot handog ng Project TABANG
- Diane Hora
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng Serbisyong Ayudang Medikal ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG, isinagawa sa bayan ng Talitay, Maguindanao del Norte ang pamamahagi ng libreng gamot noong Martes, Nobyembre 11, 2025.
Umabot sa apat na raan at tatlumpu’t isa ang nakabenepisyo sa programa.
Ang Medical Mission ay pinangunahan ng Office of the Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua at ng Bangsamoro Transition Authority Parliament, katuwang ang Cotabato Regional and Medical Center, Integrated BAR of the Philippines Cotabato Chapter, at ang Local Government Unit at Rural Health Unit ng Talitay.
Ayon sa Project TABANG, layunin ng Bangsamoro Government na maihatid ang mga serbisyong medikal at tulong sa mga mamamayan bilang patunay ng kanilang malasakit at prayoridad sa kapakanan ng bawat Bangsamoro.
Ang pamamahagi ng gamot ay bahagi ng Serbisyong Ayudang Medikal sub-program sa ilalim ng Health Ancillary Services ng Project TABANG.



Comments