44-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong rape at kabilang sa Top 9 Most Wanted Person ng PNP PRO 12, arestado sa Polomolok, South Cotabato
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng awtoridad ang isang 44 anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Top 9 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 at nahaharap sa kasong statutory rape
Kinilala ang naaresto na si alyas “Onyok”.
Nahuli ang supek araw ng Martes, June 3 ng pinagsanib pwersa ng mga operatiba mula sa Polomolok Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, 1st and 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Companies, Mobile Patrol Unit ng General Santos City Police Office, Criminal Investigation and Detection Group South Cotabato, at Regional Intelligence Division 12.
Nasa kustodiya na ngayon ng Polomolok MPS ang suspek na para sa tamang disposisyon at legal na paglilitis.
Comments