iMINDSPH

Kinilala ng otoridad ang naarestong sekyu na si alyas “Jack”, residente ng Purok Pascual, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.
Ikinasa ang operasyon alas 12:20 ng hapon, araw ng Lunes, March 3 sa Rosary Heights 10.
Ayon sa report ng otoriad, 0.08 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may Standard Drug Price na 544 pesos ang positibong nabili sa sekyu ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Ang suspected illegal drugs na narekober ay dadalhin sa RFU-BARMM para sa Laboratory Exam at proper custody.
Inihahanda na ng otoridad ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa security guard.
留言