top of page

47-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong rape at kabilang sa Top 10 Most Wanted Persons ng Region 12, timbog sa Polomolok, South Cotabato!

  • Teddy Borja
  • Aug 7
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Himas rehas ang isang 47-anyos na lalaki matapos umano nitong gahasain ang isang menor de edad. Ang suspek ay kabilang sa Top 10 Most Wanted List ng PNP PRO 12.


Kinilala ng suspek sa alyas na “Mike”.


Inaresto ito araw ng Martes, August 5 sa Barangay Klinan 6 ng bayan.


Ang operasyon ay pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ng Polomolok Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Companies ng South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO), Regional Intelligence Unit 12, at Regional Intelligence Division 12.


Inaresto si “Mike” sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 counts ng Qualified Rape ng isang menor de edad.


Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng Polomolok MPS para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page