47 Pamilya sa Lake Sebu, nakinabang sa Bagong Ram Pump Water System
- Diane Hora
- Nov 25
- 1 min read
iMINDSPH
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Provincial Government ng South Cotabato na maghatid ng pangunahing serbisyo sa mga liblib at upland communities, ipinagkaloob sa apatnapu’t pitong kabahayan sa Sitio Lemlong, Barangay Klubi, Lake Sebu ang bagong Level II ram pump water system.
Katuwang sa proyekto ang AID Foundation mula sa Bacolod City.
Malaki umano ang ginhawa nito para sa mga residente na dati ay umaasa sa malalayong o hindi ligtas na pinagkukunan ng tubig, lalo na para sa kababaihan, kabataan, at matatanda na araw-araw naglalakad upang mag-igib at mas maigugugol na ang oras sa ibang bagay.
Ang proyekto ay pinondohan at itinayo ng AID Foundation, habang ang counterpart ng Provincial Government ay ang pagproseso ng mga documentary requirements at pag-organisa sa water management association ng mga residente.
Kapag napatunayang sapat ang pinagkukunan ng tubig, plano nang i-expand ang proyekto upang masakop ang dalawa pang kalapit na sitio kung saan mas maraming pamilyang makikinabang.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng Provincial Government upang dalhin ang development projects at basic services sa mga geographically isolated and disadvantaged areas o GIDAs sa South Cotabato.



Comments