9 dating lokal na terorista, nagbalik loob sa 1st Brigade Combat Team ng Philippine Army sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte; 9 na mga baril at pampasabog, kasamang isinuko
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang siyam na mga dating violent extremists. Humarap ang mga ito sa 1st Brigade Combat Team sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, nitong December 17, 2025.
Sa mga nagbalik-loob, isa (1) ang dating kasapi ng Dawlah Islamiyah (DI), habang walo (😎 naman ang mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Kabilang sa mga sumuko si alyas “Tata", anak ng yumaong tagapagtatag ng BIFF.
Ang siyam ay iprenisinta kay Col. Rommel Pagayon, ang Acting Commander ng 1BCT sa Brgy. Pigcalagan ng nasabing bayan.
Isinuko din nila ang bitbit nilang mga kagamitang pandigma kabilang na dito ang isang Ultimax rifle, isang Barrett, isang Carbine, isang Ingram rifle, isang M16, isang M14, isang Garand rifle, isang Mortar at isang Springfield rifle.
Sinaksihan naman ng mga punong ehekutibo ng bayan Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, at punong barangay ng Dapiawan, DSA.
Pinuri naman ni Major General Jose Vladimir Cagara, Commander ng 6ID at JTFC ang hakbang na ito ng mga dating kalaban ng pamahalaan na ngayon ay nais magbagong buhay.



Comments