top of page

48 iba’t ibang uri ng armas, isinuko ng mga residente sa 7th IB sa Bagumbayan, Sultan Kudarat

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Labing-isang (11) high-powered firearms, dalawampu’t pito (27) low-powered firearms, at sampung (10) high explosive ordnance ang kusang-loob na isinuko ng mga residente sa 7th Infantry (Tapat) Battalion, Philippine Army sa Barangay Kapaya, Bagumbayan, Sultan Kudarat, noong Biyernes, December 19, 2025.


Kabilang dito ang 12-gauge shotguns, 12-gauge pistols, M79 grenade launchers, Springfield caliber .30 rifle, 9mm submachine gun, mga granada, at iba pang uri ng armas at pampasabog.


Ayon kay Lt. Col. Tristan Rey Vallescas, Commanding Officer ng 7IB, bahagi umano ito ng mas pinaigting na suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na armas sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Management Program.


Pinuri ni Brigadier General Michael A. Santos, Commander ng 603rd Infantry Brigade, ang hakbang ng mga residente at binigyang-diin ang kahalagahan nito sa pagsusulong ng kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page