48 kahon ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱4.3M, nasamsam ng awtoridad sa Zamboanga City sa ikinasang anti-smuggling operations; lalaki, arestado sa operasyon
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang ₱4.3 million na halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang anti-smuggling operation. Arestado naman ang isang lalaki sa operasyon.
Alas-12:00 ng hatinggabi, araw ng Linggo, December 21, nang magsagawa ng anti-smuggling operation ang pinagsanib na puwersa ng Police Station 7 ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), Regional Special Operations Group 9, 904th Regional Mobile Force Battalion 9, at Bureau of Customs sa kahabaan ng Bypass Road, Barangay Cabatangan.
Nauwi ang operasyon sa pagkakaaresto ng isang lalaki at pagkakakumpiska ng 48 kahon ng smuggled cigarettes na natagpuan sa loob ng van.
Ang suspek at mga nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 7 ng ZCPO para sa masusing imbestigasyon at paghahain ng kaukulang kaso.



Comments