top of page

49-anyos na lalaki at kinakasama nito, arestado sa isinagawang search warrant ng otoridad sa Ginatilan, Kidapawan City; Baril, bala at suspected shabu, nakumpiska ng otoridad sa operasyon

iMINDSPH


Kinilala ang suspek na si alyas “Balong”, isang karpentero. Hindi naman pinangalanan ng otoridad ang kinakasama nito.


Inaresto ang mga suspek alas 2:26 ng madaling araw ng Huwebes, March 6 sa Purok 5, Barangay Ginatilan, Kidapawan City.


Ang Search Warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 23, Kidapawan City, Cotabato.


Nasamsam ng otoridad sa operasyon ang isang improvised caliber carbine pistol at bala.


Narekober din sa suspek ang pitong sachet na naglalaman ng suspected shabu na tumitimbang ng 8.05 grams na nagkakahalaga ng 57,740 pesos.


Ang operasyon ay ikinasa ng mga elemento ng Kidapawan City Police Station, Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, at 1st Cotabato Provincial Mobile Force.


Dinala na sa Norala Municipal Police Station ang mga naaresto para sa proper documentation at legal disposition.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page