49-anyos na mangingisda, arestado sa Maasim, Sarangani Province dahil sa kasong qualified rape.
- Teddy Borja
- Dec 11
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Maasim, Sarangani Province — arestado ang isang mangingisda dahil sa kasong qualified rape. Inaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Jona” sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court of Alabel, Sarangani Province, noong October 6, 2025.
Hinuli ang suspek noong Martes, December 9.
Walang piyansa ang kaso.
Agad dinala sa Maasim Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at disposition.



Comments