top of page

๐„๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ฐ๐ข-๐“๐š๐ฐ๐ข ๐ง๐š ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ , ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐š๐ง๐  ๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐š ๐ซ๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ๐ž๐ ๐ง๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ž

  • Diane Hora
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Isang kwento ng tibay ng loob at pananampalataya ang pinamalas ni Dewirahna Pansalang, tubong Simunul, Tawi-Tawi, matapos itong pumasa sa November 2025 Nursing Licensure Examination at opisyal na makamit ang titulong Registered Nurse.


Lumaki bilang isang ulila, hinarap ni Dewirahna ang maraming pagsubok sa buhay mula sa kakulangan sa pinansyal hanggang sa emosyonal na hamon ng paglaki nang walang magulang.


Sa kabila nito, nanatili siyang determinado na tapusin ang kanyang pag-aaral at tuparin ang pangarap na makapagsuot ng puting uniporme bilang aniyaโ€™y simbolo ng serbisyo at pag-asa.


Ang kanyang tagumpay, ayon sa Bangsamoro Government, ay sumasalamin sa lakas ng loob ng mga kabataang Bangsamoro na patuloy na lumalaban para sa mas magandang kinabukasan, anuman ang kanilang pinanggalingan.


Ang kwento ni Dewirahna ay hindi lamang personal na tagumpay, ayon sa BARMM government, kundi inspirasyon sa maramiโ€”isang paalala na sa pamamagitan ng sipag, pananampalataya, at paniniwala sa sarili, may mga pangarap na kayang abutin kahit tila imposible.

ย 
ย 
ย 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page