top of page

5 gobernador ng BARMM, nagpahayag ng suporta kay ICM Abdulraof Macacua sa pinalawig na transition period ng BTA

  • Diane Hora
  • Nov 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pinagsamang pahayag nina Basilan Governor Mujiv Hataman, Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura, Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang, Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Adiong, at Tawi-Tawi Governor Yshmael “Mang” Sali — ipinahayag ng mga ito ang kanilang buong tiwala at suporta kay Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.

Anila, sa ilalim ng matatag at inklusibong pamumuno ni Chief Minister Macacua, muling naramdaman ang pagkakaisa, pagtutulungan, at iisang layunin tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon.


Binigyang-diin din nila ang dedikasyon ni Chief Minister Macacua sa mabuting pamamahala at sa patuloy na pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan — na higit pang nagpapatibay sa pagkakaisa at pagsulong ng mga mamamayang Bangsamoro.


Nanawagan ang mga gobernador sa lahat ng Bangsamoro na magkaisa at makiisa sa adhikain ng rehiyon para sa tunay at makabuluhang awtonomiya sa ilalim ng BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page