iMINDSPH

Sa Buldon, Maguindanao del Norte naman-
limang indibidwal ang arestado sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad.
Kinilala ang apat sa mga naaresto sa alyas na ‘Kupak’, 39-years old, “Lek”, 39 years old, “Lupez” 37, years old, at alyas “Fakbol”.
Ikinasa ang buy-bust operation ala 5:30 ng umaga, a-28 ng Pebrero sa Sitio Sapad, Barangay Cabayuan.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Buldon MPS.
Nasamsam ng otoridad sa operasyon ang tatlong heat-sealed sachets ng suspected shabu na tumitimbang ng 0.11 grams, at nagkakahalaga ng PHP 7,480 at Drug paraphernalia.
Nasa Buldon MPS na ang mga nakuhang ebidensiya at naarestong indibidwal na nahaharpa sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments