5 magsasaka na sakay ng mini van, arestado sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur matapos maispatan ang baril sa loob ng sasakyan at walang naipresentang legal na dokumento
- Teddy Borja
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang limang magsasaka na sakay ng mini van matapos maispatan ng awtoridad sa loob ng sasakyan ang isang baril.
Bigo ang mga magsasaka na magpakita ng kaukulang dokumento.
Kinilala ang limang magsasaka na sina alyas “Saber”, 34 taong gulang, lalaki, may asawa, alyas “Rasol”, 30 taong gulang, lalaki, may asawa, alyas “Kenji”, 45 taong gulang, lalaki, may asawa, alyas “Manot”, 48 taong gulang, lalaki, may asawa at isang alyas “Gapor”, 38 taong gulang, lalaki, may asawa.
Pawang residente ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao Del Sur ang suspek.
Ayon kay Public Information Officer ng Maguindanao Del Sur Police Office na si PCpt Guiseppe Tamayo-
Tinukoy ng awtoridad ang baril na isang M16 riffle. May kasama itong plastic magazine, kutsilyo, war belt, hand cuff, at 3 cellular phone.
Comments