iMINDSPH

Dalawang daan at dalawampu’t anim na adult patients at 38 na mga bata ang nakapagpakonsulta ng libre at nabigyan ng libreng gamot sa Medical and Outreach Program ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa Barangay Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao del Sur.

47 na residente ang nakapagpabunot ng ngipin, 145 residents ang nabigyan ng libreng salamin pambasa, tatlong daang residente ang nabigyan ng tsinelas, limang daan ang benepisyaryo ng feeding program at sampung residente ang nabigyan ng wheelchair.

5 naman sa pitumpo’t dalawang nagpatuli na may edad na ang ginantimpalaan ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ng tig-30 thousand pesos o may kabuuan na 150 thousand pesos.

Pinangunahan mismo ng gobernador ang medical outreach program.

Kasama nito si Congressman Thong Paglas, Vice Gubernatorial Candidate Benzar Ampatuan, Mayor Datu Akmad Ampatuan Jr. kasama ang mga kumakandidato sa iba’t ibang posisyon sa bayan at lalawigan.
Bukod sa serbisyong medical at iba pang serbisyo, namahagi rin ng relief goods at nagkaroon ng paraffle.
Nagpapasalamat naman ang mga residente sa tulong na natanggap.
Comments