5 residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, ang matagumpay na operahan sa mata mula sa programa ng Ministry of health katuwang ang tanggapan ni MP Ishak Mastura
- Diane Hora
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Naoperahan sa mata ang limang residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte sa pangunguna ng Ministry of health.
Isinagawa ang operation sa Deseret Ambulatory Referral Center sa Cotabato City, araw ng Miyerkules, August 20, 2025.
Ang programang ito ay bahagi ng Medical Outreach Program sa ilalim ng Ministry of Health katuwang ang tanggapan ni MP Ishak Mastura.
Ang tanggapan ng mambabatas ang namili ng mga sasailalim sa operation bilang bahagi ng tuloy-tuloy na programang pangkalusugan ng opisyal.
Bago ang operation ay una ng nakapag pa check up ang mga benepisyaryo ng programa nung nakaraan pang buwan.



Comments