50 taon gulang na karpentero sa Lanao del Sur na Top 10 Most Wanted Person provincial level, arestado ng otoridad
- Teddy Borja
- May 21
- 1 min read
iMINDSPH

Hawak na ngayon ng otoridad ang suspek, matapos arestuhin sa Barangay Tatayawan North, Tamparan, Lanao del Sur, ala 5:20 ng hapon noong May 19, 2025.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Bench Warrant of Arrest sa paglabag sa Section 28 (a) ng Republic Act 10591 at Section 15, Article II ng Republic Act 9165.
Ang warrant ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 8 sa Marawi City noong May 13, 2025, nang walang inirekomendang piyansa.
Base sa report ng PNP PRO BAR, dati nang naaresto ang suspek noong September 16, 2024, sa isang buy-bust operation ng parehong police unit.
Dinitene ito kasama ang kanyang asawa na nasa kustodiya pa rin ng Provincial Jail.
Bagama’t pansamantala itong nakalaya matapos makapag piyansa, bigo naman itong humarap at magreport sa scheduled court proceedings na nagresulta sa issuance ng bench warrant.
Nasa kustodiya na ng Tamparan MPS ang naaresto para sa proper documentation.
Comentarios