500 na residente sa Maguindanao del Sur, nakinabang sa Medical Outreach Program ng opisina ni MP Tomanda Antok
- Diane Hora
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sa layuning maihatid ang serbisyong medikal sa mga liblib na lugar, nagsagawa ang opisina ni Member of Parliament Tomanda Antok ng sunud-sunod na medical outreach activities sa iba’t ibang barangay ng Datu Anggal Midtimbang at South Upi, katuwang ang iba’t ibang BARMM Offices, 1st Guerrilla Brigade, Interim Base Command, BIAF-MILF, at Planning Department.
Isinagawa ang mga aktibidad noong:
Hulyo 31 sa Brgy. Brar, Datu Anggal Midtimbang
Agosto 4 sa Brgy. Midtimbang (Poblacion), Datu Anggal Midtimbang
Agosto 11 sa Brgy. Biarong, South Upi
Agosto 18 sa Brgy. Lamut, South Upi
Agosto 27 sa Brgy. Bongo, South Upi
Tinatayang nasa limang daang benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng konsultasyon, gamot, at tulong medikal.



Comments