53,400 fully grown marijuana plants sa Ilocos Sur na nagkakahalaga ng P10.6 million, sinunog ng awtoridad
- Teddy Borja
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng PNP at PDEA sa malawakang operasyon ang 10 million pesos na halaga ng marijuana.
Isinagawa ang operasyon mula ala 6:50 ng umaga hanggang 10:40 ng gabi, araw ng Miyerkules, December 10.
Umabot sa 53,400 fully grown marijuana plants na may kabuuang halaga na higit Php 10.6 milyon ang sinunog.
Umabot sa labing tatlo ang marijuana plantations na may sukat mula 100 hanggang 3,000 square meters.
Ang pinakamalaking site ay may 18,000 halaman, na may halagang Php 3.6 milyon, habang ang mas maliliit na plantasyon ay may sukat na 150 hanggang 2,370 square meters, na may halagang Php 80,000 hanggang Php 1.2 milyon bawat isa.
Pinangunahan ang operasyon ng Drug Enforcement Unit ng Ilocos Sur Police Provincial Office, na sinuportahan ng PDEA RO1-INPO, RO1-ISPO, RO1-LUPO, 1st at 2nd ISPMFC, ISPIDMU (KIMAT members), RMFB 1, 1st LUPMFC, at Sugpon MPS.
Matapos ang pagkakatuklas, lahat ng marijuana plants ay isinailalim sa inventory, idinokumento, at sinunog sa lugar mismo, at ang ilang samples ay isinumite sa Crime Laboratory Office para sa karagdagang pagsusuri.



Comments