top of page

53-anyos na assistant surveyor, timbog sa buy-bust operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; P8OK halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Aug 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog sa Datu Odin Sinsuat ang isang 53-anyos na assistant surveyor matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Paul”.


Nahuli ang suspek alas 10:45 ng gabi, araw ng Huwebes, August 14 sa Sitio Kampilan, Barangay Awang.


Nasamsam mula sa operasyon ang labing-apat (14) na piraso ng heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 12 gramo at tinatayang halagang ₱81,600 batay sa national standard value.


Ang operasyon ay kinasa ng pinagsanib na pwersa ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station (DOSMPS) at PIU-PDEU Maguindanao del Norte, katuwang ang 42nd Special Action Company (SAC) ng 4th Special Action Battalion (SAB).


Matapos arestuhin, agad dinala si “Paul” sa istasyon ng pulisya para sa dokumentasyon. Inihahanda na rin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page