top of page

₱534M proposed budget ng Ministry of Finance, Budget, and Management para sa taong 2026, sumalang na sa deliberasyon.

  • Diane Hora
  • Dec 2
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Hinimay na ng Finance, Budget, and Management Subcommittee C ang ipinapanukalang budget ng Ministry of Finance, Budget, and Management na nagkakahalaga ng ₱534 million.


Ayon sa ministry, popondohan ng proposed allocation ang expenditure at asset management, financial sustainability, pagpapalakas ng revenue, at gawing moderno ang information technology upang mapahusay ang transparency at efficiency sa BARMM's financial systems.


Inilarawan naman ni Subcommittee D Chair Baintan Ampatuan ang MFBM bilang isa sa mga performing ministries sa Bangsamoro government, kung saan binigyang-diin nito ang responsibilidad ng ministry na nangunguna sa fiscal policy at nagsusulong ng disciplined public financial management.


Ayon sa BTA, naiiba ang MFBM kumpara sa ibang ministry na nakatutok sa sectoral programs. Bilang central fiscal authority ng BARMM, tinitiyak ng ministry ang maayos na fiscal management, wastong paggamit ng public resources, at tinututukan ang formulation at administration ng fiscal policies sa buong regional government.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page