₱579M Budget ng MOST, isinailalim na sa budget deliberation ng Subcommittee B ng Finance, Budget, and Management Committee
- Diane Hora
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Sa patuloy na deliberasyon hinggil sa panukalang badyet ng mga ahensya para sa taong 2026, hinimay ngayong araw ng Subcommittee B ng Finance, Budget, and Management Committee ang ₱579M panukalang badyet ng Ministry of Science and Technology.
Halos kalahati nito, o ₱292 million pesos, ay ilalaan sa science education, scholarships, at grants.
Malaking bahagi umano ng pondo, ayon kay MOST Minister Baileng Mantawil, ang nakatuon sa pagpapalawak ng mga scholarship opportunities, partikular sa kursong medikal.
Dagdag ng opisyal, mahalagang hakbang ito upang makabuo ng mas may kakayahan at mas bihasang workforce sa rehiyon.
Kabilang rin sa panukalang ito ang suporta para sa pananaliksik, inobasyon, at pagtatatag ng halal testing laboratories, pati na rin ang mga programang magpapalago sa larangan ng siyensya at teknolohiya.
Bukod pa rito, humihiling din ang MOST ng karagdagang pondo para sa Mujahideen Assistance for Science Education (MASE) program, isang inisyatiba na nagbibigay ng edukasyonal na oportunidad at capacity-building support para sa mga dating combatant at kanilang mga pamilya.



Comments