₱5M pondo, ibinigay ng Bangsamoro Government sa Davao Oriental Provincial Medical Center sa pamamagitan ng AMBAG Program
- Diane Hora
- Nov 11
- 1 min read
iMINDSPH

Upang palawakin pa ang saklaw ng AMBaG Program, ipinagkaloob ng Bangsamoro Government ang ₱5 milyong pondo sa Davao Oriental Provincial Medical Center kamakailan.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni AMBaG Program Manager Mohd Asnin Pendatun at pinangunahan ni Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan.
Layon nitong makapagbigay ng karagdagang suporta sa pagbabayad ng gastusing medikal ng mga pasyenteng kabilang sa indigent at vulnerable sectors na hindi kayang tustusan ang kanilang pangangailangang pangkalusugan.
Sa pamamagitan ng pondong ito, mas maraming pasyente ang makatatanggap ng sapat na gamutan at makalalabas ng ospital nang walang iniwang bayarin.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Office of the Chief Minister, sa pamumuno ni Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, upang maipaabot ang kalinga at serbisyo sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong medikal sa loob at labas ng rehiyon.



Comments