top of page

5th Municipal Musabaqah sa Datu Saudi Ampatuan, matagumpay

  • Diane Hora
  • 22 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa hangaring pagtibayin ang pagkakaisa, talino at pananampalataya ng kabataang Maguindanaon, matagumpay na isinagawa sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur ang 5th Municipal Musabaqah 2025 na may temang “Unity in Science and Sports: Develops Intellect and Brotherhood”.

Pinangunahan ito ng mga opisyal na mula sa sektor ng edukasyon, religious leaders at lokal na pamahalaan.

Layunin ng aktibidad na ipakita na ang tunay na edukasyon ay hindi lamang nasusukat sa loob ng silid-aralan, kundi nasusukat din sa pakikipagtulungan, respeto at kabutihang-asal sa kapwa.


Sa paligsahan, ipinamalas ng mga kabataang Maguindanaon ang kanilang husay sa agham, palakasan at puso para sa pagkakaisa.


Ipinahayag ng mga guro at opisyal na ang Musabaqah ay hindi lamang kumpetisyon, kundi isang pagdiriwang ng katalinuhan at kapatiran sa hanay ng kabataan.


Ang Municipal Musabaqah ay patuloy na nagsisilbing plataporma ng pagkakaisa sa pagitan ng mga paaralan, pamahalaan at komunidad sa Maguindanao del Sur.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page