6,500 residente ng Datu Abdullah Sangki, Mamasapano at Ampatuan, Maguindanao del Sur, tumanggap ng tig P5k financial assistance mula sa Office of the President
- Diane Hora
- 9 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Limang libong piso bawat isa ang tinanggap ng kabuuang 6,500 na residente mula sa Datu Abdullah Sangki, Mamasapano at Ampatuan, Maguindanao del Sur na naapektuhan ng baha.

Mula ito sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Personal na nag paabot ng kanilang pasasalamat sina Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at Mayor Datu Suharto Al-wali S. Mangudadatu sa nasabing tulong.

Pagpapakita lamang anila ito ng tunay na malasakit ng isang ina at pagmamahal ng tatak Agila.


Yorumlar