top of page

6 bagong fire trucks, opisyal na itinurn-over ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua para sa bayan ng Parang, Sultan Kudarat, Datu Odin Sinsuat, Northern Kabuntalan at Datu Blah Sinsuat

  • Diane Hora
  • Aug 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Opisyal na itinurn-over ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang anim na bagong fire trucks para sa bayan ng Parang, Sultan Kudarat, Datu Odin Sinsuat, Northern Kabuntalan at Datu Blah Sinsuat.


Isinagawa ang turn-over ng mga fire truck ngayong araw sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.


Ayon kay Macacua, ang makasaysayang hakbang na ito ay patunay ng matibay na pagtutulungan sa pagitan ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), Bureau of Fire Protection (BFP), mga Local Government Units (LGUs), at mga katuwang mula sa komunidad.


Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito ayon kay Macacua, mas napapalakas pa ang kapasidad ng rehiyon sa pagtugon sa mga emergency at sakuna.


Ang turnover ceremony ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng Bangsamoro Government na palakasin ang disaster preparedness at public safety sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page