6 indibidwal na top 7 Most wanted persons sa Upi, Maguindanao del Norte, arestado ng awtoridad
- Teddy Borja
- Aug 15
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng awtoridad ang 6 indibidwal na Top 7 Most Wanted Persons sa Municipal Level.
Naganap ang operasyon noong Agosto 13, 2025, sa Sitio Kabutoyen, Brgy. Blensong, Upi kung saan matagumpay na naaresto ang 6 na indibidwal na pawang kabilang sa Top 7 Most Wanted Persons (Municipal Level) at pawang akusado sa iba't ibang kaso, kabilang ang kaso ng Lascivious Conduct alinsunod sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Nasa kustodiya ng CIDG Maguindanao Provincial Field Unit ang mga suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Pinuri ni PNP BARMM Regional Director, PBGen Jaysen De Guzman, ang mabilis na aksyon at koordinasyon ng operating team.



Comments