top of page

6 kasunduan, nilagdaan ng BARMM at national government para sa rehabilitasyon at muling pagbangon ng Marawi

  • Diane Hora
  • 18 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Lumagda ang BARMM Government at Department of Public Works and Highways sa isang Memorandum of Agreement hinggil sa pagkukumpuni ng Access Bridge sa Norsalam Village sa Marawi City.



Pinangunahan ni Chief Minister Abdulraof Macacua ang signing.


Sa isa pang MOA, lumagda rin ang BARMM Government, DPWH at DepEd para sa pagtatayo ng school ancillary facilities.


Proyektong pabahay naman ang nilalaman ng nilagdaang Memorandum of Understanding sa pagitan ng BARMM Government at National Housing Program.


Aquaculture Industry Development naman ang isinasaad ng nilagdaang MOU ng Department of Agriculture, DA-BFAR at BARMM.


Pumirma din ng MOU ang National Housing Authority at Marawi Compensation Board para sa turnover ng compensation claims, at Acceptance Documents naman mula sa PPA patungong BARMM para sa turnover ng Marawi Port Facilities.


Ang signing ay isinagawa a-11 ng Hulyo sa Lanao del Sur.


Naniniwala si Macacua dapat maisakatuparan ang mga ito nang mabilis, tapat, at may malasakit para sa mas maayos na kinabukasan ng Bangsamoro, at tungo sa isang Mas Matatag na Bangsamoro.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page