6 matatas na kalibre ng baril, nahukay ng militar sa Isulan, Sultan Kudarat, matapos ipagbigay alam ng isang peace-inclined group ang mga nakatagong baril
- Teddy Borja
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang (2) improvised Caliber .50 rifles, isang (1) improvised M79 grenade launcher, tatlong (3) improvised Rocket Propelled Grenade (RPG) launchers ang nahukay ng mga tauhan ng 7th Infantry Battalion sa Sitio Kimondo, Barangay Lagandang, Isulan, Sultan Kudarat nitong Hulyo a-28, 2025.
Sa report ng 6th Infantry Division, sinabi ni Lt. Col. Tristan Rey Vallescas, Commanding Officer ng 7th Infantry (Tapat) Battalion, isang kasapi ng peace-inclined group ang nagbigay ng impormasyon ukol sa mga nakatagong armas sa lugar. Agad namang rumesponde ang mga elemento ng 7IB at nagsagawa ng clearing operation upang kumpirmahin ang ulat.
Sa isinagawang operasyon, natuklasan ng tropa ang mga kagamitang pandigma na nakasilid sa mga sako at tinabunan ng mga bato upang maitago.
Agad na dinala sa himpilan ng 7IB ang mga nahukay na kagamitang pandigma para sa kaukulang dokumentasyon at imbentaryo.
Ayon kay Brigadier General Michael Santos, Commander ng 603rd Persuader Brigade, isang malaking tagumpay para ang pagkakasabat ng naturang mga armas, na aniya’y maaaring magamit sa karahasan at maaaring makasawi ng maraming inosente.
Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Major General Donald Gumiran, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central na patuloy na lalansagin ng militar ang mga ilegal na armas na banta sa seguridad ng publiko.
Comments