6 na proyekto at programa para sa BARMM, inaprubahan ng Bangsamoro Economic and Development Council meeting o BEDC
- Diane Hora
- Aug 18
- 1 min read
iMINDSPH

Kabilang dito ang pag endorso sa 293 Early Childhood Care and Development (ECCD) Units sa DSWD Central Office sa pamamagitan ng Intergovernmental Infrastructure Development Board.
Inaprubahan at inendorso rin ang 2026 budget proposals ng NFA at PSA-BARMM para matiyak ang suplay ng pagkain at serbisyo sa estadistika sa rehiyon.
Pinagtibay din sa pulong ang Bangsamoro Development Report 2024 bilang gabay sa pagtukoy ng mga strategic priorities.
Inaprubahan din ang Women Protection and Gender-Based Violence Project sa ilalim ng Japan Grant Aid at UNFPA — bilang proteksyon para sa kababaihan sa BARMM, gayundin ang Sexual and Reproductive Health and Rights Project sa South Upi, Maguindanao del Sur at inendorso ang SHEP Project para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka — para sa mas malawak na oportunidad sa sektor ng agrikultura.
Ang pulong ay pinangunahan ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua.
Dumalo sa pagtitipon ang elected officials sa iba’t ibag probinsya at syudad sa rehiyon, gayudin ang ilang ministry officials
Ang mga tagumpay na ito ayon kay Macacua ay patunay ng patuloy na pagkakaisa at paninindigan ng pamahalaang Bangsamoro para sa isang makabuluhan at makataong pag-unlad, alinsunod sa prinsipyo ng Moral Governance.



Comments