top of page

6 na taong gulang na batang babae, nasagip ng pulisya matapos i-hostage ng isang lalaki gamit ang patalim sa loob ng isang bahay sa Marawi City; suspek, nasawi sa insidente

  • Teddy Borja
  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Isang anim na taong gulang na batang babae ang ligtas na nasagip ng pulisya matapos ang isang hostage-taking incident na naganap sa Barangay Sabala Manao Proper, Marawi City.


Bandang alas-7:50 ng umaga, araw ng Linggo, December 21, nang maganap ang hostage-taking incident sa Barangay Sabala Manao Proper.


Ayon sa paunang imbestigasyon, bigla umanong pumasok ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa isang bahay at sapilitang kinuha ang anim na taong gulang na batang babae habang tinututukan ng kutsilyo sa leeg.


Pinaniniwalaang nasa ilalim ng impluwensiya ng ilegal na droga ang suspek nang mangyari ang insidente.


Agad na rumesponde ang isang pulis na saktong malapit sa lugar at sinubukang kausapin ang suspek upang mapalaya nang ligtas ang bata.


Subalit nang mapansin ng suspek ang pagdating ng mga pulis mula sa Marawi City Police Station, naging agresibo ito at sinaktan ang bata, na nagtamo ng mga sugat sa mukha at braso.


Agad namang isinugod ang bata sa Amai Pakpak Medical Center upang magamot ang mga tinamo nitong sugat.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek, matapos mabatid na hindi ito kilala ng mga residente sa nasabing lugar.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page