61-anyos na puganteng American National, arestado sa Cebu matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest na inisyu ng United States District Court kaugnay sa kasong may kinalaman sa illicit sexual
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang Amerikanong pugante na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa illicit sexual conduct sa mga lugar sa ibang bansa matapos isilbi ang Warrant of Arrest.
Matagumpay na naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)–Lapu-Lapu City Field Unit ang isang Amerikanong pugante na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa illicit sexual conduct in foreign places. Katuwang ng CIDG ang mga kawani ng Bureau of Immigration (BI).
Inaresto ito, araw ng Huwebes, December 18, 2025, bandang alas-4 ng hapon sa Tambuli Tower, Tambuli Seaside, Mactan, Cebu, alinsunod sa BI Mission Order No. 2025-391 para sa undesirability, kaugnay ng warrant of arrest na inisyu ng United States District Court noong Disyembre 4, 2025.
Kinilala ang suspek sa alyas na si “Green,” residente ng California. Ayon sa CIDG, nahaharap ito sa kasong (1) Transportation with Intent to Engage in Criminal Sexual Activity at (2) Engaging in Illicit Sexual Conduct in Foreign Places, sa ilalim ng Criminal Case No. CR-25-5263-TUC RM (MMA).
Matapos ang pag-aresto, ang dayuhang suspek ay agad na isinuko sa Bureau of Immigration para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon, alinsunod sa umiiral na batas at internasyonal na koordinasyon



Comments