6ID, nakikiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women
- Diane Hora
- Nov 25
- 1 min read
iMINDSPH

Nakibahagi ang 6th Infantry Division sa kick-off ceremony ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women sa regular na flag-raising ceremony sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ito ay upang ipakita ang matibay na suporta sa pambansang adbokasiyang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan.
Binibigyang-diin ni Major General Jose Vladimir Cagara, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central, ang hindi natitinag na paninindigan ng Division sa pagtataguyod ng karapatang pantao at pangangalaga sa mga sektor na madalas naaabuso.
Kabilang din sa kanyang mensahe ang pagpapatuloy ng Division sa iba’t ibang hakbang tulad ng pagpapalakas ng awareness programs, pagpapaigting ng reporting at referral mechanisms, at pagsulong ng gender and development initiatives sa hanay ng mga sundalo.



Comments