top of page

7 ARAW NG SHAWWAL O BUWAN PAGKATAPOS NG RAMADAN, ISINUSULONG SA BTA PARLIAMENT NA IDEKLARA BILANG MENTAL WELLNESS AT FAMILY WEEK

iMINDSPH



Isinusulong ngayon sa BTA Parliament na ideklara na Mental Wellness at Family Week sa buong BARMM ang unang pitong araw ng Shawwal o buwan pagkatapos ng Ramadan. Ito ang BTA Bill No. 334 na iniakda ni MP Baileng Mantawil.


Sumalang na sa unang pagbasa sa BTA Parliament ang BTA Bill No. 334 o ang Mental Wellness at Family Week Act of BARMM.


Iniakda ito ni MP Baileng Mantawil.


Nakasaad sa panukalang batas na ideklara na Mental Wellness at Family Week sa buong BARMM ang unang pitong araw ng Shawwal o buwan pagkatapos ng Ramadan.


Ipinapanukala rin sa proposed measure ang mga programa at seminar na nakatutok sa

mental health awareness na naayon sa Islamic perspective.


Hinihikayat din ang regional ministries at agencies na mag organisa ng aktibidad para magbibigay diin sa kahalagahan ng pamilya sa Islamic society at isulong ang pagbalanse ng pamilya at trabaho.


Sa ilalim ng panukalang batas, magdedepende na sa mga ministries at offices kung ideklarang non-working days ang mga ito.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page