top of page

7 barangay officials ng Buluan, Maguindanao del Sur, kusang loob na nagsuko ng mga armas sa PNP PRO BAR

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isang (1) improvised rifle grenade, dalawang (2) high-explosive fragmentation grenades, dalawang (2) homemade shotguns na lokal na kilala bilang "De-dose", isang (1) 40mm high-explosive grenade at isang (1) improvised pistol o “Paltik” ang kusang loob na isinuko ng pitong barangay officials ng Buluan, Maguindanao del Sur.


Isinagawa ito a-23 ng Hulyo sa tanggapan ng Buluan Municipal Police.


Ang mga barangay officials ay mula sa Barangay Digal, Lower Siling, Maslabeng, Poblacion, Popol, Talitay, at Upper Siling.


Ayon sa PNP PRO BAR, ang kanilang boluntaryong pagsuko ng armas ay patunay ng lumalawak na suporta ng mga lokal na lider sa pagsugpo sa banta ng mga hindi lisensyado at hindi rehistradong armas, at sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa kani-kanilang mga komunidad.


Ang lahat ng mga isinukong armas at pampasabog ay itinurn-over sa Maguindanao del Sur Police Provincial Office (PPO) para sa kaukulang dokumentasyon, at isusumite sa Regional Forensic Unit–BAR para sa ballistic examination at tamang disposisyon, alinsunod sa itinatakdang mga patakaran.


Pinuri ni PRO BAR Regional Director PBGEN Jaysen De Guzman ang inisyatibo ng mga barangay officials, at kinilala ang kanilang aktibong papel sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at pagpapatupad ng batas sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page