iMINDSPH

Arestado ang pitong wanted persons na nahaharap sa kasong frustrated murder matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa mga ito, alas 9:10 ng umaga, araw ng Miyerkules March 11 sa Barangay Labungan, Datu Odin Sinsuat.
Ang pag aresto ay base sa Criminal Case No. 2025-16003, na inisyu ni Judge Kasan Kusain Abdulrakman ng RTC Branch 27, Cotabato City.
₱120,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte sa kaso.
Pansamantalang nakadetine ang mga ito sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station para sa proper documentation at disposition.
Ang paghuli sa mga ito ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police, 1st Provincial Mobile Force Company at 1401st RMFB 14-A.
Commenti