top of page

73-anyos na lolo, arestado matapos isilbi ng awtoridad ang Warrant of Arrest sa kasong Slight Physical Injuries

  • Teddy Borja
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang 73-anyos na lolo sa kasong Slight Physical Injuries.


Nangyari ang pag-aresto alas 12:12 ng tanghali, araw ng Martes, June 10 sa barangay Baybay, Kolambugan, Lanao del Norte.


Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Municipal Court of Kolambugan, Lanao del Norte, noong May 24, 1974 na may inirekomendang piyansa na Php 200.00.


Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Kolambugan MPS para sa karagdagang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page